Saturday, October 24, 2015




              Ang ating demokratikong bansa ay magkakaroon na ng mga bagong mamumuno sa mga nalalapit na buwan. Punong-puno ang ating bansa ng mga napapanahong isyu at kung maaari'y masolusyonan ito ng mga bagong mamumuno. Tayo'y mayroong kalayaan sa pagpili ng ating mga iboboto at lahat ng ito'y nakabase sa paniniwala at pagtitiwala natin.



               Ayon sa mga sunod-sunod na mga balita, hindi pa nagsisimula ang halalan ay ang mga alkalde at mga tumatakbo sa halalan ay kapwang nagsisiraan sa isa't isa. Napakalaki ng epekto nito sa ating lipunan na siyang daan at makakapaglaan ng ating kinabukasan. Mayroon tayong kakayahan, pag-iisip at puso para sa ikabubuti ng ating sarili at ng lahat.


               Usap-usapan talaga ngayon ang halalan sa susunod na taon. Anim na taon matapos ang pinakahuling halalan ay magkakaroon na tayo ng mga bagong mamumuno. Ito'y nasa kapangyarihan ng lipunan. Hindi natin maiiwasan ang mga isyu sangkot sa pangyayaring ito. Isa na rito ang immoral na vote-buying o ang pamimili ng boto sa isa o sa grupo ng tao. Hindi pa man lumalabas sa balita ay tiyak itong mangyayari sapagkat ang mga tao ngayon ay napakadaling matukso ng kung sino-sino. Ilang mga tao ay mayroong tingin sa mga tatakbo sa halalan na korap kaya't sa kanilang kagustuhan ay dinadamay nila ang lipunan. Ang vote-buying ay hindi lamang isinasagawa ng mga kandidato, ito'y isinasagawa na rin ng mga tao. Sa pangangampanya kadalasang nangyayari ito. Alam ito ng karamihan ngunit walang nakakapagpruweba nito dahil tulad ng ibang mga ilegal na kasangkutan, ginagawa ito nang patago.

               Hindi na dapat natin gawing isyu ito. Bakit kinakailangan nating gawin pang isyu ang maaaring maging solusyon o daan sa lahat ng pangkasalukuyang isyung ating hinarap. Ang aking opinyon bilang isang estudyante ng ika-sampung baitang. Kung ating isasagawa ng mabuti, maayos at legal ang ating pagboto, maaaring maging maayos rin ang daloy ng ekonomiya ng ating bansa matapos ma-elect ang mga kandidatong karapat-dapat sa kanilang puwesto o pamamahala. Ang kapayapaan at kaayusang ating inaasam ay magsisimula sa mga mabubuting paraan. Huwag na tayong magtaka kung ang ating ekonomiya ay patuloy na hindi nalulutasan ng mga isyu. Ang komelek ay nananatili at hindi nakikitaan ng aksyon sa pagreresolba sa ganitong klaseng problema. Kung sa gayon ay kapangyarihan na nasa palad ng mga mamamayan ng bawat lipunan ang maglalaan sa mabuting daan at daloy ng ating ekonomiya na siyang ikabubuti ng ating bansa hanggang sa kinabukasan.

25 comments:

  1. Tama! Iboto natin ang tunay na pinuno na nararapat lng na mamuno sa atin! Huwag tayong magpadala sa kanilang sinasabi at ibinibigay. No to vote buying!

    ReplyDelete
  2. Oo huwag tayo maakit sa mga pabola nila yung mga pangako hindi kayang tupadin

    ReplyDelete
  3. No to vote buying. Kung alam naman ng isang kandidato na siya ay karapat dapat na mahalal at kayang gampanan ang kanyang tungkulin at maipakita ito ng tama,iboboto siya ng mga tao ng hindi binabayaran o walang binibiling boto. Iboto at piliin dapat natin kung sino ang tama at walang ginagawang kadayaan para lamang manalo.

    ReplyDelete
  4. Tama yan dapat wag basta basta magpapadala

    ReplyDelete
  5. Para malaman talaga kung sino ang karapatdapat na mamuno sa ating bansa dapat ay bumoto tayo ng tuwid. Dapat maimulat ang mga mata ng bawat filipino na huwag magpabulag sa pera kung ang magiging kapalit naman nito ay ang ang karapatan at kalayaan bilang isang mamamayan ng bansang pilipinas. Kaya no to vote buying !

    ReplyDelete
  6. Yeah, dapat hindi tayo nagpapadala sa pera. Huwag nating hayaang mahadlangan ang kung anong gusto natin dahil karapatan nating bumoto ng maayos at tama sa kung anong gusto natin. Hindi dahil sa pera.

    ReplyDelete
  7. Tama dapat di tayo nagpapadala sa pera. Hindi porket may bigay un na tsk!

    ReplyDelete
  8. Kaya naman da pata tayong bumoto ng ayos para na rin sa kaayusan ng ating bansa

    ReplyDelete
  9. Karapatan nating iboto kung sino man ang gusto nating iboto.

    ReplyDelete
  10. Tama yan may karapatan ang isang tao para bumoto ng karapat-dapat. Hindi dahil binili ang boto nila.

    ReplyDelete
  11. Hindi dapat tayo nagpapadala sa mga pera dapat ay malaya tayong bumoboto ng karapat dapat

    ReplyDelete
  12. Naintindihan ko ang nais mong ipahayag.

    ReplyDelete